Ang kaldereta ang isang lutuin na talaga namang espesyal. Matitikman natin ito sa mga espesyal na okasyon kagaya ng fiesta, kasalan, binyagan o kaya naman birthday. Kambing o baka ang pangkaraniwang ginagamit dito. Pero kahit naman baboy o manok ay pwede ding gamitin sa putaheng ito. Katulad ng entry natin for today, spareribs o buto-buto ng baboy ang ginamit ko dito. At isa pa, medyo shortcut ang luto na ginamit ko dito. Instant kaldereta mix kasi ang ginamit ko. hehehehe. Try it! Isa na namangmasarap na putahe ito.
KALDERETANG BUTO-BUTO
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Spareribs cut into serving pieces
1 medium carrots cut into cubes
2 medium potatoes cut into cubes
1 large red bell pepper
1 sachet Mama Sita Calderta Mix
1/2 cup vinegar
1/2 up soy sauce
2 tbsp. peanut butter
5 cloves minced garlic
1 large red onion chopped
2 large tomatoes chopped
salt and pepper
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
2. Ilagay ang buto-bito o spareribs. Halu-haluin.
3. Timplahan ng asin, paminta, suka at toyo. Takpan at hayaang masangkutsa.
4. After ng mga 5 minuto, lagyan ng tubig...yung tama lamang hanggang sa lumambot ang karne. 5. Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay ang patatas, carrots at siling pula. Hayaan ng mga 5 minuto uli.
6. Kung malapit nang maluto ang patatas, ilagay ang caldereta mix. Lagyna ng kautning tubig kung kinakailangan. Ilagay na din ang peanut butter.
7. I-adjust ang lasa. Timplahan pa ng asin at paminta kung kinakailangan.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!
0 Yorumlar